|
Nang kapanayamin kamakailan, ipinahayag ni Li Xuansheng, opisyal ng Huangnan Tibetan Autonomous Prefecture ng Lalawigang Qinghai sa hilagang kanlurang Tsina, na batay sa "Kulturang Regong", isang kulturang pang-nasyonalidad na may katangiang lokal, puspusang pinauunlad ng lugar na ito ang industriyang pangkultura at panturista.
Napag-alamang hanggang sa kasalukuyan, may halos 100 organong pangkultura sa naturang autonomous prefecture at umabot sa mahigit dalawang libo ang bilang ng mga staff ng mga ito. Nakakaakit bawat taon ang mga organong ito ng mahigit 190 libong turista.
Salin: Liu Kai
|