Ipinalabas kahapon sa Beijing ang ulat ng komprehensibong pagtasa ng siyentipikong pag-unlad ng lunsod ng Tsina, at nasa unang tatlong puwesto ang Shenzhen, Dongguan at Beijing.
Sa "No.1 Ulat hinggil sa Pag-unlad ng Lunsod ng Tsina" na ipinalabas ng Chinese Academy of Social Science, tinukoy nitong bilang isang bagong ideya ng pag-unlad ng lunsod, hinahangad ng siyentipikong pag-unlad ng lunsod ang komprehensibo at koordinadong pag-unlad ng kabuhayan, lipunan, populasyon, yaman at kapaligiran ng lunsod.
Salin: Li Feng
|