Nagpalabas ngayong araw ng artikulo ang Xinhua News Agency, pambansang ahensiya sa pagbabalita ng Tsina, na nagsasabing dapat igarantiya ang kaisahan, karangalan at awtorisasyon ng sosyalistang sistemang pambatas.
Anang artikulo, ang pangangasiwa sa bansa alinsunod sa batas ay pundamental na kahilingan ng sosyalistang demokratikong pulitika at bilang tugon sa bagong kalagayan at kahilingan na kinakaharap ng konstruksyon ng sosyalistang sistemang pambatas ng Tsina, buong liwanag na iniharap sa ulat ng ika-17 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina na dapat palakasin ang pagpapairal ng Konstitusyon at mga batas, paggigiit sa pagiging pantay-pantay ng mga mamamayan sa harap ng batas at paggarantiya sa pagkakapantay-pantay at katarungan ng lipunan.
Anito pa, sa kasalukuyan at yugto sa susunod na panahon, habang patuloy na palalakasin ang lehislasyon, dapat naman ilagay sa mas namumukod na posisyon ang paggarantiya sa kaisahan, karangalan at awtorisasyon ng sosyalistang sistemang pambatas.
Salin: Liu Kai
|