Nagpalabas ngayong araw ng artikulo ang Xinhua News Agency, pambansang ahensiya sa pagbabalita ng Tsina, na tumutukoy na pabibilisin ng Tsina ang konstruksyon ng sosyalistang kultura.
Anang artikulo, pagpasok ng bagong siglo, nagiging namumukod ang katayuan at papel ng puwersang kultural sa komprehensibong puwersa ng bansa.
Anito pa, sa kasalukuyan, hinog na ang mga kondisyon para sa pagpapabilis ng Tsina ng konstruksyon ng sosyalistang kultura at bilang isang umuunlad na sosyalistang bansa, dapat magsagawa ang Tsina ng mas mabisang hakbangin para mapalakas ang konstruksyon ng kultura at mabuo sa lalong madaling panahon ang bentaheng kultural na angkop sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan.
Salin: Liu Kai
|