Ipinalabas ngayong araw ng Xinhua News Agency, pinakamalaking ahensiya sa pagbabalita ng Tsina, ang artikulong pinamagatang "pasulungin ang hanapbuhay sa pamamagitan ng pagsisimula ng negosyo".
Sinabi ng naturang artikulo na maliwanag na iniharap ng ulat ng ika-17 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina na dapat isagawa ang estratehiya ng pag-unlad ukol sa pagpapalawak ng hanap-buhay para mapasulong ang hanapbuhay sa pamamagitan ng pagsisimula ng negosyo. Dapat ipauna sa gawain ng hanap-buhay ang pagpapasigla at pagkatig sa pagsisimula ng negosyo. Ito ay iniharap sa pundasyon ng paglagom ng karanasan ng nabanggit na gawain, malalim na pag-unawa sa batas ng pagpapalawak ng hanapbuhay at siyentipikong pag-aanalisa sa kalagayan ng hanapbuhay ng Tsina.
Salin: Ernest
|