Mapayapang reunipikasyon ng inangbayan batay sa "isang bansa, dalawang sistema", angkop sa kapakanan ng nasyong Tsino
CRI
Nagpalabas ngayong araw ng artikulo ang Xinhua News Agency, pambansang ahensiya sa pagbabalita ng Tsina, na tumutukoy na ang pagsasakatuparan ng mapayapang reunipikasyon ng inangbayan batay sa prinsipyong "isang bansa, dalawang sistema" ay angkop sa pundamental na kapakanan ng nasyong Tsino.
Anang artikulo, ang prinsipyong "isang bansa, dalawang sistema" ay iniharap kaugnay ng isyu ng Taiwan at ipinakikita nito ang determinasyon at katapatan ng Partido Komunista ng Tsina sa mapayapang paglutas ng isyu ng Taiwan at ang pagsasaalang-alang at paggalang sa dignidad at damdamin ng mga kababayang Taywanes.
Salin: Liu Kai
|
|