Nagpalabas ngayong araw ng artikulo ang Xinhua News Agency, pambansang ahensiya sa pagbabalita ng Tsina, na tumutukoy na sa ulat ng ika-17 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina o CPC, malalimang inilahad ang agos at tunguhin ng malaking pagbabago at pagsasaayos ng kasalukuyang daigdig at sa gayo'y nagbigay ng mahalagang batayan sa pagtatakda ng Tsina ng iba't ibang patakarang panloob at panlabas.
Anang artikulo, ipinalalagay ng CPC na di-mapipigilan ang multi-polarisasyon ng daigdig, hindi nagbago ang pundamental na kayarian at direksyon ng pag-unlad ng daigdig at ang kapayapaan at kaunlaran ay nananatiling tema ng panahon. Kaya, matatag at di-magbabagong tumatahak ang Tsina sa landas ng mapayapang pag-unlad, naggigiit sa estratehiya sa pagbubukas na may mutuwal na kapakinabangan at win-win situation at nagpapasulong sa pagtatatag ng may-harmonyang daigdig na may pangmatagalang kapayapaan at komong kasaganaan.
Salin: Liu Kai
|