Nagpalabas ngayong araw ng artikulo ang Xinhua News Agency, pambansang ahensiya sa pagbabalita ng Tsina, na nagsasabing nagtamo ang Tsina ng substansyal na progreso sa reporma sa sistemang kultural.
Anang artikulo, noong 2003, sinimulan ng Tsina ang gawaing pang-eksperimento ng reporma sa sistemang kultural at sa pamamagitan ng pagpapasulong ng reporma sa sistema ng mga state-owned commercial cultural institutions, nabuo sa Tsina ang isang pangkat ng kompanyang kultural na may sarilinang karapatan sa pangangasiwa at sarilinang responsibilidad sa pagtubo at pagkalugi.
Noong taong 2006, umabot sa mahigit 510 bilyong yuan RMB ang value-added ng industriyang kultural ng Tsina at ang proporsiyon nito sa GDP ng bansa ay 2.45%.
Salin: Liu Kai
|