Sa kaniyang pagdalo kamakailan sa unang pulong ng ika-13 Pambansang Kongreso ng Shanghai, ipinahayag ni Yuan Jie, Puno ng Astronautical Technology Institute ng Shanghai na ang "Shenzhou 7" na ililipad sa loob ng kasalukuyang taon, ay may kakayahan na magsagawa ng living broadcast sa paglakad ng kosmonut sa out space. Sa panahong iyon, sa pamamagitan ng telebisyon, posibleng panonoorin ng mga mamamayan ang living broadcast ng paglakad ng kosmonut ng "Shenzhou 7" sa outer space.
Ngunit, ipinahayag ni Yuan na sa kasalukuyan, hindi pa tiniyak ang pagsasagawa ng recorded o living broadcast.
Salin: Li Feng
|