Ipinahayag kahapon dito sa Beijing ni Li Changjiang, puno ng General Administration of Quality Supervision, Inspection and Quarantine ng Tsina na lipos na kompiyensa ang Tsina sa paggarantiya sa kaligtasan ng pagkain ng Beijing Olympic Games.
Nang kapanayamin ng mamamahayag kahapon, ipinahayag ni Li na para maigarantiya ang kaligtasan ng pagkain ng Olimpiada, nabuo na ng pamahalaang Tsino at Lupong tagapag-organisa ng Beijing Olympic Games ang kumpleto at mabisang sistema ng pagmomonitor sa kaligtasan ng pagkain ng Olympic Games. Para maigarantiya ang kaligtasan ng pagkain ng Olimpiyada, palalakasin din ng Tsina ang pandaigdigang pagtutulungan at aktibong makikipagpalitan ng karanasan sa mga pandaigdigang bahay-kalakal.
Salin: Jason
|