Sa preskon ng taunang sesyon ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino, CPPCC na idinaos kahapon sa Beijing, ipinahayag ni Liu Jingmin, pangalawang alkalde ng Beijing at pangalawang tapangulong tagapagpaganap ng Lupong Tagapag-organisa ng Beijing Olympic Games na ang gugol para sa pagpapatakbo ng Olimpiyadang ito ay galing sa paggagalugad sa pamilihan at hindi direktang namuhunan dito ang pamahalaan.
Sinabi ni Liu na kinakatigan ng pamahalaang sentral ng Tsina at pamahalaan ng Beijing ang Beijing Olympics, pangunahin na, sa aspekto ng pagbabawas ng mga tax at fee. Ayon pa rin sa kanya, naglaan naman ang Beijing ng mga pondo sa pagpapabuti ng transportasyon, kapaligiran at imprastruktura para sa Olimpiyadang ito.
Salin: Liu Kai
|