Ipinahayag ngayong araw ng may kinalamang panig ng Greece na sa kasalukuyan, handa na para sa seremonya ng pagsindi ng sulo ng Beijing Olympic Games.
Ipinahayag ni Isidiris Kouvelos, panagalawang tagapangulo ng Greek Olympic Committee na napakasapat ng paghahanda ng panig Greek at sa panahong iyon, magkakaroon ng isang ganap na seremonya ng pagsindi ng sulo.
Napag-alaman, dadalo sa nasabing seremonya sa Olimpiyada si pangulong Karolos Papoulias at ito ang unang pagdalo sa ganitong seremonya ng pangulong Greek bukod sa kanilang sariling idinaos na Olimpiyada.
Salin: Jason
|