• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-03-25 17:30:01    
Pagsira ng Dalai Clique sa Olimpiyada, taliwas sa mithiin ng mga mamamayan

CRI

Nagpalabas ngayong araw ng komentaryo ang Xinhua News Agency, pambansang ahensiya sa pagbabalita ng Tsina, na nagsasabing taliwas sa mithiin ng mga mamamayan ang pagsira ng Dalai Clique sa Olimpiyada.

Anang komentaryo, sa kasalukuyan, buong sikap na nagkokonsentra ang mga mamamayan ng iba't ibang nasyonalidad ng Tsina sa paghahanda para sa 2008 Beijing Olympic Games. Ngunit itinuturing ng Dalai Clique ang Olimpiyadang ito bilang pagkakataon ng internasyonalisasyon ng aktibidad ng "pagsasarili ng Tibet". Noong isang taon, maraming beses na ipinahayag ni Dalai Lama na "ang taong 2008 ay isang masusing taon, at ang Olimpiyada ay posibleng pinal na pagkakataon para sa mga mamamayang Tibetano." Noong Enero ng taong ito, ibayo pang humiling si Dalai sa mga tagasuporta na idaos ang demonstrasyon sa panahon ng Beijing Olympics para mapalaganap ang "pagsasarili ng Tibet".

Ayon pa rin sa komentaryo, ang pagdaraos ng Beijing ng 2008 Olympic Games ay isang banal na karapatang ibinigay ng mga mamamayan ng daigdig. Pinagtatangka ng Dalai Clique na gawing isyung pulitikal ang Beijing Olympics at ini-uugnay ang isyu ng Tibet sa Beijing Olympics para mapasulong ang impluwensiyang pandaigdig ng mga seperatistang aktibidad nito. Ito ay di-matalino at tiyak na mabibigo.

Salin: Vera