Kaugnay ng panggugulo ng 3 miyembro ng Reporters Without Borders sa seremonya ng pagsindi ng sulo ng Beijing Olympic Games, nagpalabas ngayong araw ng komentaryo ang Xinhua News Agency, opisiyal na ahensiya sa pagbabalita ng Tsina na nagsasabing ang aksyong ito na ginawa ng ilang organisasyong pandaigdig na may motibong pulitikal ay dumungis sa banal na diwa ng Olimpiyada at nakasakit sa damdamin ng mga mamamayan ng buong daigdig na pumapansin at nagmamahal sa Olimpiyada.
Anang komentaryo, pagkaraang sindihan ang sulo ng Beijing Olympic Games, natanggap na ng opisiyal na website ng Lupong Tagapag-organisa ng Beijing Olympic Games ang mahigit 5 libong mensahe ng mga netizens galing sa mahigit 20 bansa't rehiyon. Pinagpala nila ang Beijing at Olimpiyada at kinondena ang mga panggugulo. Kumondena rin sa mga panggugulo ang mga kilalang tauhan na kinabibilangan ni Jacques Rogge, pangulo ng International Olympic Committee.
Salin: Jason
|