Kasunod ng papalapit na Beijing Olympic Games, ipinahayag kahapon sa Beijing ni Pu Changcheng, Pangalawang Puno ng General Administration of Quality Supervision, Inspection and Quarantine ng Tsina, na isasagawa ng Tsina ang mahigpit na pagsusuri sa mga pagkain sa Olimpiyada para maigarantiya ang kaligtasan ng pagkain sa Beijing Olympic Games.
Sa isang pulong na idinaos nang araw ring iyon hinggil sa isyung ito, sinabi ni Pu na dapat pabutihin ng mga may kinalamang departamento ng iba't ibang lugar ng Tsina ang pamantayan ng pagsusuri sa mga pagkain ng Olimpiyada at palakasin ang pagsusuperbisa at pamamahala sa mga bahay-kalakal na yumari ng pagkain ng Olimpiyada. Kasabay nito, dapat palakasin ng naturang mga departamento ang pagsusuperbisa at pagkontrol sa pagkain sa mga mahalagang lugar na gaya ng Olympic Village at mga pasilidad ng paligsahan.
Salin: Ernest
|