Si Jiang Yv, tagapagsalita ng ministring panlabas ng Tsina
Sa regular na preskong idinaos ngayong araw dito sa Beijing, ipinahayag ni Jiang Yv, tagapagsalita ng ministring panlabas ng Tsina na ang Olympic Games ay kapistahang pampalakasan ng mga mamamyang sa buong daigdig, hindi plataporma ng iilang tao para maglaro ng political show.
Nitong ilang araw na nakalipas, hihiyawan ng ilang tauhang pulitikal sa ibayong dagat na boboykotin ang Beijing Olympic Games. Hinggil dito, ipinahayag ni Jiang Yv na tiyak na mabibigo ang anumang tangka na papatawan ng presyur ang Tsina sa pagsasamantala ng Olympic Games.
Salin:Sarah
|