• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-04-03 12:33:48    
Prinsesang Sirindhorn, lalahok sa seremonya ng pagbubukas ng Beijing Olympic Games

CRI
Ipinahayag kahapon sa Beijing ni Prinsesang Maha Chakri Sirindhorn ng Thailand na lalahok siya sa seremonya ng pagbubukas ng Beijing Olympic Games.

Winika ito ni Sirindhorn sa pagtatagpo nila ni Dai Bingguo, kasangguni ng estado ng Tsina.

Sa pagtatagpo, binigyan ni Dai ng mataas na pagtasa ang mahalagang ambag ni Sirindhorn sa pagpapalakas ng pagkakaibigan ng mga mamamayang Tsino at Thai. Ipinahayag naman ni Sirindhorn na sa panahon ng kasalukuyang pagdalaw, bibisita siya sa Lalawigang Shandong at hilagang silangang Tsina at ibayo pang palalalimin nito ang kanyang pagkakaunawa sa Tsina. Umaasa rin siyang matagumpay na maidaraos ang Beijing Olympic Games.