• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-04-03 17:19:33    
Tsina, humimok sa mga personaheng pulitikal ng E.U. na hindi sumabotahe sa Olympic Games at torch relay

CRI

Si Jiang Yv, tagapagsalita ng ministring panlabas ng Tsina

Hinimok ngayong araw ni Jiang Yv, tagapagsalita ng ministring panlabas ng Tsina ang mga personahe ng sirkulong pulitikal ng E.U. na huwag manggulo o sumabotahe sa Beijing Olympic Games at torch relay nito.

Ipinahayag kamakailan ni Nancy Pelosi, ispiker ng mababang kapulungan ng E.U. na hindi niyang kinakatigan ang pagboykot sa Beijing Olympic Games, pero sinabi niyang mali ang International Olympic Committee na nagbigay ng awtorisasyon sa Beijing para sa paghohost ng 2008 Olympic Games at kinakatigan niya ang mga indibiduwal at grupo na bukas na magpahayag ng kanilang palagay sa mga aksyon ng pamahalaang Tsino sa panahon ng paghahatid ng sulo sa San Francisco sa buwang ito. Sinabi ni Jiang na nagpahayag ang Tsina ng labis na pagkabalisa at kawalang-kasiyahan dito.

Sinabi pa ni Jiang na ang matagumpay na paghahatid ng sulo ay komong hangarin ng mga mamamayan ng Tsina at E.U. at angkop sa komong interes ng dalawang bansa. Hinimok ng panig Tsino ang mga personahe ng sirkulong pulitikal ng E.U. na maging responsable sa isyung may kinalaman sa Olympic Games at torch relay at hindi manggulo o sumabotahe dito.

Salin:Sissi