Sinalubong ng mga oversea at ethnic Chinese ang Olympic flame
Natapos kagabi, local time, sa Paris ang ika-5 stop ng paghahatid ng sulo ng Beijing Olympic Games sa ibayong dagat.
Sa seremonya ng pagsisimula ng torch relay, sinabi ni Jean-Pierre Raffarin, dating Punong Ministro ng Pransya na may pagkakaiba sa pagitan ng mga mamamayan ng daigdig at pinapasulong ng Olimpiyada na ibayo pang hanapin ang komong palagay at isa-isang-tabi ang pagkakaiba.
Sa proseso ng paghahatid, nanggulo sa aktibidad ang iilang separatistang tauhang naninindigan sa "pagsasarili ng Tibet". Batay sa pagsasaalang-alang sa katiwasayan at may kinalamang regulasyon ng International Olympic Committee, ipinasiya ng operating team ng Beijing Olympic flame na patayin ang sulo at ihatid ito sa pamamagitan ng kotse.
Salin: Sissi
|