Binigyang-diin ngayong araw sa regular na preskon sa Beijing ni Jiang Yu, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ipagpapatuloy ang pagpapahatid ng sulo ng Olimpiyada sa anumang kalagayan para palaganapin sa buong daigdig ang diwa ng Olimpiyada at ideya ng kapayapaan, pagkakaibigan at pag-asenso. Ito ay hindi mapipigilan ng anumang puwersa.
Salin: Ernest
|