Ipinahayag ngayong araw ni Wei Chao'an, pangalawang ministrong agrikultural ng Tsina na maaaring ipagkaloob ng Tsina ang lubos at maligtas na produktong agrikultural at paggarantiya ng pagkain para sa Beijing Olympic Games.
Sa isang kinauukulang pulong na idinaos sa Hangzhou, isang lunsod sa dakong timog ng Tsina, ipinahayag ni Wei Chao'an na para igarantiya ang kaligtasan ng pagkain ng Beijing Olympic Games at Paralympics, lalo pang pinalakas ng pamahalaang Tsino ang pagsusuberbisa at pamamahala sa kaligtasan ng kalidad ng produktong agrikultural, pinasulong ang pag-iistandardisa ng produksyon, itinatag na sa kabuuan ang sistema ng pagkontrol sa kailgtasan ng kalidad ng mga produktong agrikultural at pagkain mula sa "bukirin" hanggang sa hapag-kainan.
Salin:Sarah
|