• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-04-15 10:08:02    
Britanya, tutol sa pagsasapulitika ng Olimpiyada

CRI

Ipinahayag kahapon sa Beijing ni Alistair Darling, espesyal na kinatawan ng punong ministro ng Britanya at ministro ng tesoro ng bansang ito na nandito para lumahok sa kauna-unahang diyalogong eknomiko at pinansiyal ng Tsina at Britanya, na maling mali ang pagboykot sa Olimpiyada at tinututulan ng kaniyang bansa ang pagsasapulitika ng Olimpiyada. Sinabi niyang dadalo si Punong Ministro Gordon Brown sa seremonya ng pagpipinid ng Beijing Olympic Games at umaasang matagumpay na idaraos ng Tsina ang Olimpiyadang ito.

Winika ito ni Darling sa pagtatagpo nila ni Dai Bingguo, kasangguni ng estado ng Tsina. Buong pagkaisang ipinalalagay ng dalawang panig na dapat magkasamang magsikap para ibayo pang pasulungin ang komprehensibo at malalimang pag-unlad ng bilateral na relasyon.

Salin: Ernest