• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-04-15 16:45:05    
Pakistan, igagarantiya ang maalwang paghahatid ng sulo ng Beijing Olympic Games

CRI

Sinabi kahapon ni Syed Arif Hasan, tagapangulo ng Olympic Committee ng Pakistan, na isasagawa ng kaniyang bansa ang lahat ng mga kinakailangang hakbangin para maigarantiya ang maalwang paghahatid ng sulo ng Beijing Olympic Games sa Islamabad.

Inilahad sa news briefing nang araw ring iyon ni Hasan ang kalagayan ng paghahanda para sa paghahatid ng Beijing Olympic torch relay sa Islamabad. Ipinahayag niya na handa na ang lahat ng paghahanda para sa seremonya ng paghahatid nito at mainit na sasalubungin ng kaniyang bansa ang pagdating ng Olympic Flame ng Beijing.

Ayon sa plano, darating bukas ng madaling araw sa Islamabad, kabisera ng Pakistan, ang sulo ng 2008 Beijing Olympic Games.

Salin: Ernest