Dumating kaninang madaling araw (local time) ng Islamabad, kabisera ng Pakistan ang Beijing Olympic Flame sakay ng espesiyal na eroplano at sinimulan na ang ika-10 stop ng torch relay ng Beijing Olympic Games sa ibayong dagat. Ito ring unang pagsalubong ng lunsod na ito sa Olympic flame.
Sisimulan sa alas-4 kaninang hapon (local time) ang seremonya ng paghahatid ng sulo at 65 torchbearers ang lalahok sa torch relay sa loob ng Pakistan.
Salin: Jason
|