Ipinahayag dito sa Beijing ngayong araw ni Yin Xintian, tagapagsalita ng State Intellectual Property Office ng Tsina, na ang pamahalaang Tsino ay may determinasyon at kakayahan na lumikha ng isang mainam na atomospera ng pangangalaga sa karapatan sa pagmamay-ari sa likhang-isip o IPR sa panahon ng Olympiyada.
Sa news briefing na idinaos ng tanggapan ng impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina, isinalaysay ni Yin na ang batas sa patent, batas sa trademark at batas sa copyright na isinasagawa sa kasalukuyan ay nagpakaloob ng batayan sa pangangalaga sa IPR sa panahon ng Olympiyada. Bukod dito, espesyal na itinakda ng kinauukulang panig ang regulasyon ng pangangalaga sa palatadaan ng Olympiya. Ang naturang mga batas at regulasyon ay bumuo ng napakabuting sistemang pambatas ng pangangalag sa IPR ng Olympiyada.
Salin:Sarah
|