Idinaos kahapon ng hapon ng Olympic Committee ng Thailand ang preskon para isalaysay ang mga gawain ng paghahanda para sa Beijing Olympic torch relay na isasagawa bukas sa Bangkok.
Ipinahayag sa preskon ni Yuthasak Sasiprapha, tagapangulo ng nasabing komite, na ang pagdating sa Thailand ng Beijing Olympic flame ay isang mahalagang muhon sa pagpapalaganap ng diwang Olimpik sa Thailand. Sinabi niyang ang matagumpay na pagtataguyod ng torch relay ay komong palagay ng royal family, pamahalaan at mga mamamayan ng Thailand.
Isinalaysay din ni Yuthasak na pagkaraan ng pagpapalakas ng kooperasyon ng mga departamento ng pamahalaang Thai at paglahok ng mga organisasyon ng overseas at ethnic Chinese, maayos na ang lahat ng mga paghahanda para sa torch relay.
Salin: Sissi
|