Nang kapanayamain kamakailan ng media ng Espanya, sinabi ni Juan Antonio Samaranch, pangulong pandangal ng International Olympic Committee, na di-makatarungan ang paggamit ng Olimpiyada para sa pagtutol sa Tsina.
Sinabi ni Samaranch na natamo ng Tsina ang kapansin-pansing pag-unlad sa iba't ibang larangang kinabibilangan ng palakasan at ganap na kuwalipikado ang ganitong bansa para maihost ang Olimpiyada. Anya, kung may palagay sa mga patakaran ng Tsina, dapat ipahayag ang mga ito sa katugong okasyon na gaya ng UN.
Buong higpit na kinondena ni Samaranch ang panggugulo sa Beijing Olympic torch relay. Ipinahayag din niya ang pagtutol sa anumang aksyon ng pagboykot sa Beijing Olympic Games.
Salin: Liu Kai
|