Ipinahayag kahapon sa punong himpilan ng UN sa New York ni Ban Ki-moon, pangkalahatang kalihim ng UN na buong lakas na kinakatigan niyang sarili at ng UN ang Beijing Olympic Games at tinututulan ang pag-uugnayan ng Olimpiyada at pulitika.
Winika ito ni Ban sa kaniyang pakikipagtagpo kay Wang Yi, espesyal na kinatawan ni pangulong Hu Jintao ng Tsina at pangalawang ministrong panlabas ng bansa. Ipinahayag ni Ban ang pananalig na sa ilalim ng pagkatig ng mga mamamamayan at pamahalaang Tsino, magtatagumpay ang Beijing Olympic Games at magiging plataporma sa pagpapasulong ng kapayapaan, harmonya at pagtutulungan ng buong daigdig at pag-uunawaan ng mga mamamayan ng iba't ibang bansa.
Ipinahayag naman ni Wang na ang Beijing Olympic Games ay inaasahan hindi lamang ng mga mamamayang Tsino, kundi rin ng mga mamamayan ng buong daigdig. Anya, hindi matatanggap ng mga tao ang anumang panggugulo sa Olimpiyadang ito.
Salin: Jason
|