Nang kapanayamin kahapon sa Beijing ng mga mamamahayag na Tsino, ipinahayag ni Herve Ladsous, embahador ng Pransya sa Tsina, ang kanyang kalungkutan sa pagsira ng iilang elementong naninindigan sa pagsasarili ng Tibet sa paghahatid ng sulo ng Beijing Olympic Games sa Paris.
Ipinahayag ni Ladsous na maliwanag ang paninindigan ng pamahalaang Pranses na hindi dapat gawing pulitika ang Beijing Olympic Games at dapat magtagumpay ang Olimpiyadang ito.
Sinabi niyang lubos na pinahahalagahan ng Pransya ang relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon nila ng Tsina at umaasang susulong ang relasyong ito sa direksyon ng pangmatagalang kabutihan.
Inulit din ni Ladsous na iginagalang ng pamahalaang Pranses ang Tsina at soberanya ng Tsina sa Tibet. Kaugnay ng pagkatig ng pamahalaan ng Paris sa pagsasarili ng Tibet, ipinahayag niyang ang aksyon ng pamahalaan ng Paris ay hindi kumakatawan sa paninindigan ng pamahalaang Pranses.
Salin: Liu Kai
|