Ipinahayag dito sa Beijing ngayong araw ni Bosengkham Vongdala, pangalawang ministro ng impormasyon at kultura ng Laos, na umaasa ang kanyang bansa na matagumpay na maidaraos ang Beijing Olympic Games, at umaasa ring matatamo ng delegasyong Lao ang mabuting resulta sa Olimpiyadang ito.
Ipinahayag pa niyang ang pagsasagawa ng Olympic torch relay sa buong daigdig ay nakakatulong sa pagpapalakas ng pag-uugnayan ng mga mamamayan sa daigdig. Napaka-di-angkop ng anumang aksyong humadlang sa Olympic torch relay, at hinding hindi gamitin ang Olimpiyada at torch relay para marating ang layuning pulitikal.
Salin: Vera
|