• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-04-28 16:27:57    
Komentaryo ng People's Daily: tiliwas sa pananabik ng mga mamamayan ang panggugulo sa Olympic Games

CRI
Nagpalabas ngayong araw ang People's Daily ng Tsina ng komentaryong nagsasabing tiliwas sa pananabik ng mga mamamayan ang panggugulo sa Olympic Games.

Anang komentaryo, nitong mahigit 100 taong nakalipas, ang modernong Olimpiyada ay naging plataporma ng mga mamamayan mula sa iba't ibang bansa na may magkakaibang relihiyon at paniniwala para sa pagpapahagi ng sibilisasyon, pagpapalitan at diyalogo. Ang aksyon ng panggugulo ng iilang tao ay hindi kumakatawan ng pangunahing mithiin ng mga mamamayan sa daigdig. Sa kasalukuyan, magkakahiwalay na nagpahayag sina Jacques Rogge, tagapangulo ng International Olympic Committee, Jean-David Levitte, tagapayong panlabas ng pangulong Pranses at mahigit 100 manlalarong Amerikano na tinututulan nila ang pagsasapulitika ng Olympic Games. Tinatanggap na ng Olympic torch relay ang mainit na pagsalubong mula sa nakararaming mamamayan ng iba't ibang bansa.

Salin: Sissi