Idinaos ngayong araw sa Beijing at iba pang lunsod ng Tsina ang iba't ibang aktibidad bilang pagdiriwang sa 100-araw na countdown ng Beijing Olympic Games.
Idinaos kaninang umaga sa Beijing ang pulong ng pagpapakilos para sa Olimpiyada. Dumalo sa aktibidad si tagapangulo Jia Qinglin ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino. Sa kanya namang pagdalo sa aktibidad, isinagawa ni Liu Qi, puno ng lupong tagapag-organisa ng Beijing Olympic Games ang pagsasaayos sa mga tungkulin ng kanyang lupon at iba't ibang departamento ng Beijing.
Idinaos din sa Beijing ang marathon na nilahukan ng halos 1000 taga-Beijing at dayuhan.
Sa Qinhuangdao, co-host city ng Beijing Olympic Games, idinaos ang malaking aktibidad ng pagdiriwang na nilahukan ng halos 3000 tao ng iba't ibang sirkulo ng lipunan.
Sa Qingdao, co-host city ng Beijing Olympic Games, idinaos ang aktibidad na nilahukan ng mahigit 4000 mamamayang lokal.
Sa Lhasa, nagtipun-tipon sa athelic field ng Pamantasan ng Tibet ang mahigit 3000 mamamayan ng iba't ibang nasyonalidad sa Tibet at idinaos ang aktibidad bilang pagdiriwang.
Salin: Liu Kai
|