Naganap kaninang hapon sa Wenchuan ng Lalawigang Sichuan sa Timog Kanlurang Tsina, ang lindol na may lakas na 7.8 sa richter scale.
Pagkaganap ng lindol, agarang humiling si Pangulong Hu Jintao ng Tsina na iligtas ang mga sugatan at igarantiya ang kaligtasan ng mamamayan sa nalindol na lugar. Pumupunta ngayon si Premyer Wen Jiabao sa Wenchuan para patnubayan ang gawaing panaklolo. Sinimulan na ng pamahalaang lokal ang gawaing ito.
Salin: Andrea
|