Ipinahayag ngayong hapon ni Zhang Hongwei, tagapagsalita ng Kawanihang Seismolohikal ng Tsina na nakatuon sa lindol na naganap nang araw ring iyon sa Wenchuan ng Lalawigang Sichuan, sinimulan ng kanyang kawanihan ang pangkagipitang plano at handang handa na magpadala ng isang 180-taong grupong panaklolo sa nilindol na purok.
Sinabi ni Zhang na malakas ang lindol na ito at malawak ang apektadong lugar nito. Nadama rin ito sa mahigit 10 lalawigan at munisipalidad na kinabibilangan ng Ningxia, Qinghai, Shanghai at iba pa.
Salin: Sissi
|