|
Ayon sa pinakahuling estadistika, ang malakas na lindol na naganap kaninang hapon sa Wenchuan ng Lalawigang Sichuan sa timog kanlurang Tsina ay ikinamatay na ng 107 tao sa mga lugar ng Ningxia, Gansu, Chongqing at iba pa.
Pagkaganap ng lindol, agarang humiling si Pangulong Hu Jintao ng Tsina na iligtas ang mga sugatan at igarantiya ang kaligtasan ng mamamayan sa nalindol na lugar. Dumating na si Premyer Wen Jiabao ng Wenchuan para patnubayan ang gawaing panaklolo.
Bukod dito, nagpadala na ang Kawanihang Seismolohikal ng Tsina at National Disaster Reduction Committee ng Tsina ng mga grupong panaklolo sa nilindol na purok. Nagkaloob naman ang Ministri sa Suliraning Sibil ng Tsina at Red Cross Society ng Tsina ng mga tulong na materyal at pondo.
Salin: Liu Kai
|