|

Ayon sa estadistika ng Ministri sa Suliraning Sibil ng Tsina, hanggang noong alas-7 kaninang umaga, ikinamatay na ng 9219 tao ang malakas na lindol na naganap kahapon sa Wenchuan ng Lalawigang Sichuan sa timog kanlurang Tsina at naguho ang mahigit 500 libong bahay sa nilindol na purok.
Pagkaganap ng lindol, agarang humiling si Pangulong Hu Jintao ng Tsina na iligtas ang mga sugatan at igarantiya ang kaligtasan ng mga mamamayan sa nilindol na purok. Binuo ng Konseho ng Estado ng Tsina ang espesyal na pamunuan ng relief works na pinamumunuan ni premyer Wen Jiabao. Sa kasalukuyan, nandoon sa nilindol na purok si Wen para mamuno sa relief works.
Hanggang noong alas-6 kaninang umaga, lumahok na sa relief works ang mahigit 16 na libong sundalo at pulis na Tsino at pumupunta naman sa sinalantang purok ang mahigit 34 na libo iba pa.
Bukod dito, magkasamang inilaan ng Ministri ng Panananlapi at Ministri ng Suliraning Sibil ng Tsina ang 200 milyong yuan RMB sa nilindol na purok bilang tulong sa pamumuhay ng mga apektadong mamamayan.
Salin: Ernest
|