• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-05-13 10:02:33    
Mga bansa at organisasyong pandaigdig, nagpahayag ng pakikiramay sa Tsina

CRI
Ipinahayag kahapon ng mga bansa at organisasyong pandaigdig ang pakikiramay sa Tsina para sa naganap na malakas na lindol.

Nagpadala ng mensahe ang mga lider ng Hapon, Rusya, E.U., Pransya, Pakistan, Alemanya, Slovenia, Poland, Serbiya at Kuwait kay Pangulong Hu Jintao ng Tsina bilang pagpapahayag ng pakikiramay. Ipinahayag din ng ilan sa kanila ang kahandaang magkaloob ng saklolo sa nilindol na purok.

Sa pag-usap sa telepono kay Ministrong Panlabas Yang Jiechi ng Tsina, ipinahayag, sa ngalan ng UN, ni Ban Ki-Moon, Pangkalahatang Kalihim ng UN, ang pakikiramay sa pamahalaan at mga mamamayang Tsino. Ipinahayag niyang buong lakas na kakatigan ng UN ang gawaing panaklolo at rekonstruksyon ng Tsina.

Nagpadala naman ng mensahe sa pangulong Tsino si Jacques Rogge, pangulo ng International Olympic Committee, bilang pakikidalamhati sa mga biktima sa lindol.

Bukod dito, magkakahiwalay na nagpahayag ng pagmamalasakit at pakikiramay sa Tsina ang Singapore, Israel, Turkey, Iran, Argentina at iba pang bansa at Komisyong Europeo.

Salin: Andrea