Dumating kagabi si premyer Wen Jiabao ng Tsina ng Lunsod ng Dujiangyan, isa sa mga apektadong lugar sa malakas na lindol na naganap nang araw ring iyon sa Wenchuan sa timog kanlurang Tsina, para patnubayan ang relief works.
Dahil naputol ang mga daan sa Wenchuan, hiniling ni Wen sa mga kalahok na sundalo sa relief works na agarang buksan ang mga daan para makapasok sa lalong madaling panahon ang mga grupong panaklolo sa mga lugar na pinakagrabeng naapektuhan ng lindol.
Pumunta rin si Wen sa mga ospital at paaralan para kumustahin ang mga apektadong mamamayan at ipaalam sa kanila ang kalagayan ng lindol at relief works.
Salin: Liu Kai
|