Nagpulong kagabi ang Pirmihang Lupon ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina para isaayos ang relief work sa nilindol na purok sa timog kanlurang bansa.
Binigyang-diin ng pulong na dapat puspusang iligtas ang mga nasugatan at igarantiya ang kaligtasan ng buhay ng mga mamamayan sa nilindol na purok.
Hiniling ng pulong na agarang ipadala ang mga sundalo at tauhang medikal sa sinalantang purok para sa relief works, puspusang ihatid doon ang mga materyal na panaklolo at panumbalikin sa lalong madaling panahon ang transportasyon, koryente, tele-komunikasyon at suplay ng tubig.
Salin: Ernest
|