Sa pulong ng espesyal na pamunuan ng Konseho ng Estado ng Tsina na namamahala sa earthquake relief works na idinaos kaninang umaga, ipinahayag ni premyer Wen Jiabao na buong sikap na oorganisahin ng pamahalaang Tsino ang tauhan at materyal bilang tulong sa nilindol na purok sa Lalawigang Sichuan.
Sa kasalukuyan, pumupunta ang mga grupong medikal at panaklolo sa nilindol na purok, ngunit dahil sa pagputol ng transportasyon at tele-komunikasyon at tuluy-tuloy na ulan, kinakaharap ng relief works ang napakalaking kahirapan. Binigyang-diin ni Wen na dapat maghawan ng daan sa nilindol na purok bago ang alas-12 ng gabing ito.
Binigyang-diin din niyang dapat paratingin sa lalong madaling panahon sa nilindol na purok ang mga materyal na panaklolo sa pamamagitan ng himpapawid.
Salin: Liu Kai
|