Patuloy ngayong araw ang mga bansa sa pagpapahayag ng pakikiramay sa Tsina para sa naganap na malakas na lindol.
Nagpadala ng mensahe ang mga lider ng Laos, Rusya, Hapon, Timog Korea, E.U., Pransya, Pakistan, Alemanya, Italya, Romania, Slovenia, Poland, Serbiya, Brazil, Mexico, Jordan at Kuwait kay Pangulong Hu Jintao ng Tsina bilang pagpapahayag ng pakikiramay. Ipinahayag din ng ilan sa kanila ang kahandaang magkaloob ng saklolo sa nilindol na purok.
Bukod dito, magkakahiwalay na nagpahayag ng pagmamalasakit at pakikiramay sa Tsina ang Singapore, Bhutan, Israel, Turkey, Iran, Argentina at iba pang bansa.
Salin: Andrea
|