• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-05-13 19:18:25    
11921 tao na, namatay sa lindol sa Wenchuan

CRI

Ayon sa pinakahuling estadistika ng Ministri sa Suliraning Sibil ng Tsina, ikinamatay na ng 11921 na tao ang malakas na lindol na naganap kahapon sa Wenchuan ng Lalawigang Sichuan sa timog kanlurang Tsina. Iniligtas na ang mahigit 1.8 libong tao sa nilindol na purok.

Pagkaganap ng lindol, agarang humiling si Pangulong Hu Jintao ng Tsina na iligtas ang mga sugatan at igarantiya ang kaligtasan ng mga mamamayan sa nilindol na purok. Binuo ng Konseho ng Estado ng Tsina ang espesyal na pamunuan ng relief works na pinamumunuan ni premyer Wen Jiabao.

Sa kasalukuyan, nandoon si Wen sa Lunsod ng Dujiangyan, isa sa mga apektadong lugar sa lindol, para mamuno sa relief works. Kaninang umaga, sinabi niyang buong sikap na oorganisahin ng pamahalaang Tsino ang tauhan at materyal bilang tulong sa nilindol na purok.

Ipinatalastas ng Ministri ng Pananalapi ng Tsina na ilaan ang 860 milyong yuan RMB sa relief works.

Hanggang noong alas-6 kaninang umaga, lumahok na sa relief works ang halos 17 libong sundalo at pulis na Tsino at pumupunta naman sa sinalantang purok ang mahigit 34 na libo iba pa.

Salin: Liu Kai