|
Sinabi ngayong araw ni tagapagsalita Qin Gang ng ministring panlabas ng Tsina na hanggang sa kasalukuyan, wala pang iniuulat na kasuwalti ng mga dayuhan sa nilindol na purok ng Tsina.
Sinabi ni Qin na patuloy na sinusubaybayan ng panig Tsino ang may kinalamang impormasyon at kung matitiyak na may mga dayuhan sa nilindol na purok, ipagkakaloob ng panig Tsino ang buong sikap na tulong sa kanila.
Salin: Liu Kai
|