Alas 23:15 kagabi, dumating sa Wenchuan County, epicenter ng napakalakas na lindol, ang unang grupong panaklolo.
Pagkaraan ng lindol, dahil sa pagsira ng lansangan, pagputol ng suplay ng koryente at pagputol ng telekomunikasyon, nawalan ng kontak sa labas ang mahigit 100 libong residenteng lokal ng Wenchuan.
Hiniling ni Premyer Wen Jiabao ng Tsina sa lahat ng mga lumalahok sa gawaing panaklolo na pumasok sa Wenchuan sa lalong madaling panahon sa iba't ibang paraan na gaya ng air transport, waterway at walking.
Kahapon ng hapon, dumating sa Yingxiu ng Wenchuan ang 30 taong advance troop at nailigtas na nila ang mahigit 300 nasugatan. Kagabi naman, 200 pang armadong pulis ang nakarating sa Wenchuan at pagdating, agarang nagsimula sila ng gawaing panaklolo.
Salin: Andrea
|