|
Hanggang alas 7:00 kagabi, umabot sa 12012 ang bilang ng mga nasawi sa grabeng lindol sa Lalawigang Sichuan ng Tsina, mahigit 9000 tao ang nalilibing pa rin sa guho at 7841 katao ang nawawala.

Naroroon si Premyer Wen Jiaobao sa nilindol na purok bilang puno sa pangangasiwa sa mga gawain ng pagliligtas. Binigyang diin ni Wen na ang kasalukuyang pinakamahalagang tungkulin ang nananatili pa ring buong sikap na pagliligtas ng iyong mga nililibing sa guho para mabawasan, sa abot ng makakaya, ang bilang ng kasuwalti.
Bumisita rin si Premyer Wen sa mga apektadong mamamayan sa Mianyang at Deyang, dalawang lunsod na malapit sa Wenchuan, epicenter ng lindol.
Napag-alamagn hanggang sa kasalukuyan, mahigit 20 libong kawal at armadong pulis ang nakarating sa nilindol na Lalawigang Sichuan at nagsasagawa ng gawain ng pagliligtas. Nakarating din sa mga apektadong lugar ang mga professional rescuers mula sa Chinese International Rescue Team.
Salin: Ernest
|