|
Magkakahiwalay na nagkaloob kahapon ang komunidad ng daigdig ng tulong na pondo at materyal sa Tsina para sa relief works at rekonstruksyon sa nilindol na purok.
Inihatid ng Rusya ang 30 toneladang materyal. Nag-abuloy ng 50 libong Dolyares si Norodom Sihanouk, ama ng hari ng Combodia. Nagkaloob ng 500 libong Dolyares ang Thailand. Nagkaloob ng 250 libong Euro ang Belgium. Nagkaloob ng 100 libong Dolyares ang Poland. Nag-abuloy ng 1 milyong Dolyares ang International Olympic Committee. Nag-abuloy naman ng 240 libong Dolyares at mga materyal ang International Federation of Red Cross and Red Crescent Societies.
Salin: Ernest
|