Muling naisaoperasyon ngayon ang pinagdaanan sa Wenchua ng Lalawigang Sichuan kung saan naganap ang napakalaking lindol.
Pagkaraang maganap ang lindol, naputol ang lansangan, koryente at komunikasyon, mahigit 100 libong residente sa Wenchuan ang nawalan ng pakikipag-ugnayan sa labas.
Dumating kaninang tanghali ng Wenchuan ang isang airborne communication troop ng Chengdu Military Region na may dalang radiotelephone at bumuti ang komunikasyon sa lokalidad. Di-kukulangin sa 3 helikopter na may dalang relief materials ang dumating naman sa Wenchuan.
Hanggang alas-8 ngayong araw, mahigit 800 sundalo ng Chinese People's Armed Police Force (CAPF) ang nagsasagawa ng relief works at iniligtas na ang 300 nasugatan. Bukod dito, pangkagipitang kinukumpuni ng isang 600 sundalo ng CAPF na may kasamang malaking makinarya ang naputol na lansangan patungong Wenchuan, tinayang muling isasaoperasyon ngayong gabi ang lansangang ito.
Salin: Vera
|