Binigyang-diin dito sa Beijing ngayong araw ni Li Keqiang, pirmihang kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangalawang Premyer, na dapat igarantiya ang pagliligtas sa mga nabiktimang mamamayan at ang pundamental na pamumuhay ng mga mamamayan sa mga purok na kalamidad, at dapat magsikap hangga't makakaya para mapaliit sa pinakamababang digri ang kapinsalaang dulot ng lindol.
Tinukoy din niyang dapat igarantiya ang pagsuplay ng paninda sa mga pamilihan sa iba pang rehiyon at ang katatagan ng presyo para mapangalagaan ang kaayusan ng produksyon at pamumuhay.
Salin: Li Feng
|