Muling idinaos ang pulong ng Pirmihang Lupon ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) para ibayo pang pag-aralan at isaayos ang disaster relief work. Nangulo sa pulong si Hu Jintao, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC.
Nanawagan ang pulong sa mga mamamayan ng buong bansa na puspusang kumatig sa mga purok na kalamidad at makapagbigay ng ambag para sa pakikibaka sa lindol at relief work sa pamamagitan ng aktuwal na aksiyon.
Salin: Li Feng
|