|
Ayon sa may kinalamang panig ng Tsina, mahigit 10 milyong tao ang direktang nabiktima ng napakalakas na lindol na nagpayanig ng Sichuan.
Hanggang alas-dos kahapon ng hapon, 14,866 katao ang namatay sa lindol at 14,463 sa mga ito ay taga-Sichuan.
Binigyang-diin ni Premyer Wen Jiabao na ang pagliligtas sa iyong mga nalilibing sa guho ay nananatili pa ring pinakapriyoridad ng kasalukuyang gawaing panaklolo at nagpasiya rin siyang dagdagan pa ng 90 helikopter para sa pangkagipitang panaklolo.
Hanggang kahapon, mahigit 65 libo katao ang nailigtas.
|